Mga Laro Ngayon

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- UE vs UST

4 n.h. -- DLSU vs Ateneo

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

TARGET ng Ateneo ang ikaapat na sunod na panalo sa pakikipagtuos sa archrival De La Salle sa pagbabalik ng aksiyon sa UAAP Season 79 men’s football tournament ngayon sa Moro Lorenzo Field sa Katipunan, Quezon City.

Masusubok ang katatagan ng Blue Eagles sa defensive-minded Green Booters ganap na 4 ng hapon na live na mapapanood sa S+A Channel 23.

Magtutuos naman sa curtain raiser ganap na 2:00 ng hapon ang University of the East at University of Santo Tomas.

Tangan ng Ateneo, runner-up sa nakalipas na season, ang maximum na siyam na puntos, dalawang puntos ang abante sa defending champion University of the Philippines.

Galing ang Eagles sa 5-1 panalo kontra Growling Tigers sa nakalipas na Sabado. Nanguna sina Jarvey Gayoso, nangunguna na goal scorer na may apat at rookie Sam Lim, sa Ateneo.

Kasalukuyang nasa No.4 ang De La Salle, tangan ang apat na puntos. (Marivic Awitan)