PIOLO copy copy

PAGKATAPOS ng presentation sa mga alaga ng Star Magic sa kanilang Thanksgiving presscon para sa 25th anniversary ng pinakasikat at pinakamalaking talent development ang management agency sa bansa, si Piolo Pascual ang agad na pinaligiran ng entertainment press.

Interesado ang lahat sa latest sa kanilang dalawa ni Shaina Magdayao at inamin naman agad ni Piolo na exclusively dating sila.

“Shaina and I are mahirap i-label, I guess. So, whatever it is, I guess we just have to mutually respect everyone involved and not to talk more about it,” sey ni Papa P.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Hindi naman sa ayaw pang i-describe ng sikat na Kapamilya actor ang namamagitan sa kanila ni Shaina, pero may mga bagay daw na dapat ay para sa kanila na lang muna.

“Kasi, sa totoo lang, eh, ang hirap, nagkakaedad ka and I’ve been with her for five years na, exclusively dating, but I know and she knows that we don’t date out of what we have,” seryosong banggit ni Papa P.

Binigyang-diin niya na may mga bagay-bagay na hindi pa niya maisapubliko.

“I try to choose the right words to say kasi parang, at the end of the day, ‘yung sincerity naman nu’ng tao ‘yung importante, ‘yung truthfulness sa sinasabi niya. So, I just choose my words about whatever Shaina and I have right now,” serysong lahad ni Piolo.

Kung anuman daw ang namamagitan sa kanila ni Shaina ngayon ay ipinagpasalamat niya ito.

“As I have said, it’s really something that we both value. Something that we treasure and we appreciate about what we have,” seryosong pag-amin ni Piolo Pascual. (Jimi Escala)