Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Ginebra vs. Star

NAISAMPA ng Barangay Ginebra Kings ang isang paa mula sa hukay. At sa bagong pag-asang nakamit, target ng crowd-favorite na tuluyang makaahon sa kinalalagyan sa paghataw ng Game Four ng 2017 OPPO-PBA Philippine Cup best-of-seven semi-finals ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Nakatakda ang laro kontra sa Star Hotshots, ganap na 7:00 ng gabi.

Matapos maiwan ng dalawang laro sa serye, nabuhayan ng tsansa ang Kings nang makasingit sa Game Three,73-62, nitong Lunes.

"We hit some shots when we needed,” pahayag ni Kings coach Tim Cone.

"Both teams are bleeding for points. There are no open looks, guys are organized..I am so impressed at how coach Chito has molded his team's defence."

Sa panig naman ng Hotshots, nangako silang babawi upang tuluyang makuha ang inaasama na bentahe sa serye.

(Marivic Awitan)