Handa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na umalalay sa pagtuturo ng skills training o technical-vocational courses sa Madrasah school o mga paaralang Muslim.

Inihayag ito ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong bunsod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing skills training center ang mga Madrasah school upang magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan ang mga maralitang estudyante.

Ayon kay Mamondiong, sa pamamagitan ng proyektong ito ay mailalayo ang kabataan sa mga bandidong grupo.

“If they do not have any skills for a livelihood and then their families are hungry, they may resort to extremism.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

This is a skills program to address that,” aniya. (Bella Gamotea)