Pinag-aaralan ng House Committee on Ways and Means ang mungkahi ng Department of Finance na patawan ng mas mataas na buwis ang mga kotse, sa gagawing pagtalakay sa Comprehensive Tax Reform Package.

Nakapaloob ang excise tax sa mga kotse sa Article VI ng House Bill 4774 na inakda ni Rep. Dakila Carlo Cua (Lone District, Quirino), committee chairman, at HB 4688 ni Rep. Joey S. Salceda (2nd District, Albay).

Iginiit ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na makatutulong sa pagpapaluwag ng trapiko ang pagtaas ng buwis sa mga kotse. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter