MABINI, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang construction worker na aksidenteng mahulog sa hukay ng construction site sa isang resort sa Mabini, Batangas.

Ayon sa report ni PO2 Leody Panganiban, dakong 5:30 ng hapon nitong Pebrero 11 nang aksidenteng mahulog si Alberto Sadul, 52, ng San Jose Del Monte City, Bulacan, sa 40-60 talampakan ang lalim na hukay.

Tumama pa umano ang katawan ng biktima sa retaining riprap na ginagawa sa J1 Private Resort sa Barangay San Jose, Mabini. (Lyka Manalo)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City