Napakahalaga ng papel ng mga magulang ngayong Araw ng mga Puso.

Ayon kay Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, dapat samahan ng mga magulang ang kani-kanilang anak lalo na ang wala pa sa 18 taong gulang, at upang makilala rin nila ang Valentine’s Day ng kanilang anak.

“It’s also a way of getting to know whovever the person their child is with,” sinabi ni Mallari sa isang panayam.

Isa na rin itong pagkakataon, ayon kay Mallari, pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, upang maturuan ang kabataan sa tamang pakikitungo sa opposite sex.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“They should be taught the right way of dealing with one another. Our conviction is the only way to relate is to love and communicate with one another,” sabi ni Mallari.

At dahil napakaimportante ng pamilya sa mga Pilipino, sinabi niyang dapat turuan ang kabataan ng tamang pagpili ng makakasama sa habambuhay.

“They prepare themselves also for that moment when they have to choose the right man or woman for them...if that person is according to God’s plan for them,” ayon kay Mallari.

Dapat palaging nandiyan ang mga magulang, aniya, para suportahan at alalayan sa lahat ng aktibidad ang kanilang mga anak upang hindi mapahamak at maligaw ng landas.

“It’s not only this Valentine’s Day that they should be present, but also in the other activities of their child in school. Sometimes they are not there in important events like Graduation Day that’s why the child look for attention elsewhere,” ayon kay Mallari. “The problem with some parents is that they are so busy that they don’t have time anymore for their children.”

At sa kabataang lalabas nang walang chaperone, pinayuhan sila ng CBCP official na iwasan ang tukso sa pag-iwas sa madidilim na lugar.

“We have to avoid temptation. It’s important that the youth is aware of this. They should know their own limitation.

They should know that everybody is prone to be tempted. Its best to avoid places where we will be tempted so easily,” pagtatapos ni Mallari.