TAIPEI, Taiwan (AP) — Posibleng ang napakabilis na takbo ng bus ang dahilan ng pagbaligtad nito na ikinamatay ng 32 katao at ikinasugat ng maraming iba pa sa kabisera ng Taiwan, sinabi ng mga imbestigador kahapon.

Nangyari ang trahedya dakong 9:00 ng gabi nitong Lunes habang paliko ang bus sa isang expressway ramp sa Taipei.

Pauwi na ito mula sa cherry blossoms viewing sa Taichung sakay ang isang grupo ng mga turista.

Sinabi ni highway police spokesman Ma Ling-wen na ang speed limit sa ramp ay 40 kph ngunit hindi pa malinaw kung gaano kabilis ang takbo ng bus, at hindi nila inaalis ang anggulo ng over speeding.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sakay ng pribadong bus na pag-aari ng Yongli Keyun transit company ang 44 katao, na karamihan ay naipit sa ilalim ng nawasak na sasakyan. Nasawi sa aksidente ang 32, lahat ay Taiwanese at karamihan ay matatanda. Isinugod ang natitirang pasahero sa ospital.