Limang tama ng bala sa mata, tiyan at hita ang ikinamatay ng isang hindi pa nakikilalang babae sa isang riles sa Tondo, Maynila, nitong Lunes ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa edad 22-25, 5’1” ang taas, balingkinitan, at nakasuot ng asul na jacket, pink na t-shirt, asul na jersey shorts at tsinelas, gayundin ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section, dakong 1:30 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa riles sa Daang Bakal, sa Hermosa Street, Tondo.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at nang tingnan ay nakitang duguang nakahandusay ang biktima.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Wala namang nakakakilala sa biktima kaya posible umanong dayo lamang ito sa nasabing lugar. (Mary Ann Santiago)