OKLAHOMA CITY (AP) — Walang patid ang pagtuligsa ng home crowd kay Kevin Durant. Ngunit, imbes na mawala ang wisyo, sumambulat ang opensa ng one-time scoring champion para sandigan ang Golden State Warriors at dominahin ang Thunder sa head-to-head duel, 3-0, ngayong season.

Golden State Warriors guard Stephen Curry (30) shoots next to Oklahoma City Thunder center Steven Adams (12) during the third quarter of an NBA basketball game in Oklahoma City, Saturday, Feb. 11, 2017. Golden State won 130-114. (AP Photo/Sue Ogrocki)Hataw si Durant sa naiskor na 34 puntos sa kabila ng pambubuska ng crowd sa bawat sandaling mahawakan ang bola, gayundin sa physical game ng mga dating kasangga.

Ito ang unang paglalro ni Durant sa Chesepeake Arena mula nang lisanin ang Oklahoma, naging tahanan niya sa nakalipas na walong taon at sumapi sa Golden State Warriors sa off-season.

Naging mainit ang tema ng laro, higit at nang magbangayan at magpalitan ng maanghang na salita sina Durant at Oklahoma City star guard Russell Westbrook sa kalagitnaan ng third period. Sa isang tagpo, naguntugan ng noo sina Durant at Oklahoma forward Andre Roberson nang bigyan ng huli ng hard-fouled ang nag-drive na si Durant.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nanguna si Westbrook sa Thunder sa naiskor na 47 puntos, 11 rebound at walong assist.

CAVALIERS 125, NUGGETS 109

Sa Cleveland, kumubra ng tig-27 puntos sina LeBron James at Kyrie Irving sa panalo ng Cavaliers kontra Denver Nuggets.

Nagtumpok din si James ng 12 assist para sa ikalimang panalo sa anim na laro sa buwan ng Pebrero. Naitala ng Cavs ang markang 7-8 sa nakalipas na buwan.

Nanguna si Nikola Jokic sa Nuggets sa natipang 27 puntos at 13 rebound.

76ERS 117, HEAT 109

Sa Philadelphia, tinuldukan ng Sixers, sa pangunguna nina Nerlens Noel, Robert Covington at Dario Saric ang 13-game winning streak ng Miami Heat.

Pawang humugot ng 19 puntos ang tatlo para wakasan ang pinakamahabang winning streak ng Miami ngayong season.

Hataw si Goran Dragic sa nasungkit na 30 puntos para sa Heat, natapos ang pamamayagpag na itinuturing na ikatlong pinakamatikas na marka sa kasaysayan.

CLIPPERS 107, HORNETS 102

Sa Charlotte, North Carolina, nagsalansan si Blake Griffin ng 20 puntos at 12 rebound, habang kumasa si Austin Rivers ng 18 puntos sa panalo ng Los Angeles Clippers kontra Hornets.

Kinapos lang ng dalawang assist si Griffin para sa ikalawang triple-double ngayong season, habang kumubra si Jamal Crawford ng 22 puntos, tampok ang limang three-pointer.

Ratsada si Nicolas Batum sa Nuggets sa naiskor na 25 puntos, anim na rebound at walong assist.

BUCKS 116, PACERS 100

Sa Indianapolis, nagtumpok ng 20 puntos, 10 assist at walong rebound si Giannis Antetokoumpo para sandigan ang Milwaukee Bucks kontra Indiana Pacers.

Nagbuslo si Mirza Teletovic ng limang three-pointer para sa kabuuang 19 puntos, habang kumana sina Malcolm Brogdon at Greg Monroe ng tig-17 puntos para sa Bucks.

Nanguna sa Pacers sina C.J. Miles na may 23 puntos, tampok ang anim na three-pointer, habang kumana sina Monta Ellis at Myles Turner ng tig-18 puntos.

Sa iba pang laro, pinasabog ng Houston Rockets ang Phoenix Suns, 133-102; hiniya ng Dallas Mavericks ang Orlando Magic, 112-80; ginapi ng Boston Celtics ang Utah jazz, 112-104.