Umaasa pa rin si dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na matutuloy ang mga usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at rebeldeng New People’s Army (NPA).

“Hopefully, hopefully. Ang mga NPA, ang problema naman nila mga land reform lang talaga,” ani Estrada.

Naniniwala rin siya na dapat matakot ang mga NPA kay Pangulong Rodrigo Duterte, na kilalang walang inaatrasan. “Aba, matakot sila kay President Duterte, baka mapaspasan din sila,” ani Estrada. - Mary Ann Santiago
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter