Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig)

11 n.u. -- Batangas vs Cignal

1 n.h. -- Victoria Sports vs AMA

MANATILING nakaagapay sa mga lider ang target ng AMA Online Education at Cignal-San Beda sa pagsabak sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakabalik mula sa dalawang sunod na pagkatalo matapos gapiin ang Jose Rizal University, 69-61, haharapin ng Titans para sa ika-4 na tagumpay ang Victoria Sports-MLQU sa tampok na laro sa 1:00 ng hapon.

“Kailangan tuloy-tuloy lang ang ensayo namin dahil alam namin di na kami puwede matalo sa remaining games namin,” pahayag ni coach Mark Herrera.

Batid ng Titans na ang isa pang kabiguan ay magdudulot ng pagkabalahaw ng pag-usad nila sa semifinals bukod sa pag-asang makahabol sa second spot para sa target na twice-to-beat advantage.

Sasandigan ang AMA Nina MVP contender Jeron Teng, Juami Tiongson, Jay-R Taganas, at Gino Jumao-as.

Sa panig ng Hawkeyes, hangad nilang makapuwersa ng three-team logjam sa second place kasama ng Café France at Tanduay sa pakikipagtuos sa upset-minded Batangas ganap na 11:00 ng umaga.

Walang nais na hangad si coach Boyet Fernandez na makita ang maturity sa laro ng kanyang player.

“We know that we’re facing experienced teams and experienced players here so what we want is for the boys to learn from that and be mature as we go along,” pahayag ni Fernandez.

Nitong Huwebes, nanatili sa ibabaw ng standings ang Racal nang pabagsakin ang Wangs Basketball, 89-84, sa Ynares Sports Arena in Pasig.

“I warned them not to take Wangs for granted. Hirap na hirap kami sa kanila,” sambit ni Racal coach Jerry Codinera.

Nakahirit naman ang Cafe France kontra Jose Rizal University, 75-57.

Iskor:

(Unang laro)

RACAL 89 - Corpuz 18, Salado 14, Onwubere 10, Nambatac 9, Mangahas 8, Dagangon 6, Cabrera 5, Gabayni 5, Torres 5, Gabawan 3, Terso 3, Flores 2, Gumaru 1, Apreku 0.

WANGS 84 - Publico 16, M. Gomez 14, Tambeling 13, Labing-isa 10, Brana 8, Enriquez 6, Salcedo 6, Tayongtong 5, Montuano 3, Regalado 2, C. Gomez 1, Juruena 0, King 0.

Quarters: 21-13, 43-43, 66-64, 89-84.

(Ikalawang Laro)

CAFE FRANCE 75 - Ebondo 21, Desiderio 13, Casino 7, Calisaan 6, Gabriel 5, Jeruta 5, Veron 5, Faundo 4, Arim 3, Manlangit 2, Wamar 2, Aquino 0, Guinitaran 0.

JRU 57 - Bautista 13, Poutouochi 12, Pontejos 11, Grospe 9, Teodoro 4, Bordon 3, Lasquety 2, Santos 2, Sawat 1, Estrella 0, Lopez 0, Mate 0.

Quarters: 16-19, 38-36, 55-45, 75-57.