Adele copy copy

INUWI ni Adele ang limang awards sa Grammys kabilang ang album, record at song of the year.

Tinalo ni Adele si Beyonce sa tatlong pangunahing kategorya sa kanyang comeback album na 25 at inulit ang kanyang tagumpay noong 2012, nang manalo rin ang British star ng album, song, at record of the year sa Grammys.

Ginamit niya ang kanyang talumpati para mabigay paggalang kay Beyonce at sa matagumpay na album ni Bey na Lemonade, na naging nominado rin.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“The way you make my friends feel, the way you make my black friends feel is empowering,” saad ni Adele sa Staples Center sa Los Angeles nang tanggapin nito ang award na album of the year.

“I adore you. You move my soul everyday … I adore you and I want you to be my mommy,” sabi ni Adele sa nagdadalantao na si Beyonce ilang minuto bago tanggapin ang song of the year para sa Hello.

Bagamat hindi naging maganda ang buong gabi para kay Adele: Hiniling ni Adele, na nagkaroon ng problema sa kanyang live performance noong nakaraang taon sa Grammys, na ulitin ang kanyang tribute performance para sa yumaong si George Michael, at sinabi sa audience: “I can’t mess this up for him.” Huminto siya at muling kinanta habang nagpalakpakan at sumuporta ang mga manunuod.

Pumanaw si Michael sa Araw ng Pasko. Noong nakaraang taon, nagkaroon din ng problema sa pagtatanghal ang British singer nang mahulog ang mikropono sa loob ng piano at tumama sa strings nito. (MB Entertainment)