Erich at Daniel copy

PAREHONG ayaw magbigay ng detalye nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales tungkol sa kanilang breakup na ang sinasabi lang, walang third party at hindi tungkol sa pera.

Sa pahayag na ito ng dalawa, lalong naghahanap ang fans ng rason kung bakit nila winakasan ang kanilang relasyon na nagsimula noong 2015.

Ang malinaw lang, bad breakup ang nangyari lalo na’t sinabi ni Erich na hindi sila friends at pinasinungalingan pa ang unang sinabi ni Daniel na nag-uusap sila.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Parehong kawawa sina Daniel at Erich dahil katakut-takot na pamba-bash ang nakukuha. Lalo na sa kaso ni Daniel and to think na ang mga nag-aakusa sa kanya ngayon ay dati nilang fans ni Erich.

Hindi na sinasagot ni Daniel ang comments ng netizens. Ang latest post niya ang sagot sa lahat nang umaakusa sa kanya.

“The deepest level of worwhip is praising God inspite of the pain, thanking God during the trials, trusting Him when we’re tempted to lose Hope and LOVING HIM when He seems so distant and far away. At my lowest, God is my hope. At my darkest, God is my light. At my weakest, God is my strength. At my saddest, God is my comforter.”

Kahit break na sila ni Erich at kahit dinelete na nito ang pictures nila sa Instagram (IG), mananatili ang pictures ng ex-couple sa IG account ni Daniel. “I won’t delete po... will never do that” ang sagot ni Daniel sa request ng fan nila ni Erich na ‘wag alisin ang mga litrato nila bago nanahimik ang actor.

Sinagot rin ng mahaba-haba ni Daniel ang tsismis na pera ang pinag-ugatan ng breakup nila.

“My relationship was never about money... I always worked really hard to have what I have today and thank God my life is NOT based around money. I have respect for myself and I don’t depend on anybody to earn anything cause everything that I have comes from the Lord. I do not judge without knowing what happened. God bless you guys.”

Hayan, malinaw ang sinabi ni Daniel, sana tigilan na siya ng mga haka-haka na pera ang pinaghiwalayan nila ni Erich.

Patahimikin na sana ng fans sina Daniel at Erich. (Nitz Miralles)