Idineklarang ‘non-working holiday’ ang Lunes (Pebrero 13) sa Parañaque City bilang pagdiriwang sa ika-19 Cityhood Anniversary nito, alinsunod sa Proclamation No. 144 ng Office of the President.

Nakalinya ang mga aktibidad na inihanda ng pamahalaang lokal kabilang ang 4th Cityhood Anniversary Job Fair sa City Sport Complex sa Miyerkules, medical at dental caravan sa mga barangay, Diskwento Caravan, at TalenTODA singing competition ng mga tricycle driver.

Iniulat ni Mayor Edwin Olivarez sa kanyang State of City Address ang mga proyekto para sa lungsod sa susunod na tatlong taon. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter