Dalawang lalaki na hinihinalang adik sa ilegal na droga ang napatay matapos pagbabarilin ng umano’y hitman ng drug syndicate sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Romeo Sabang, 21; at Luis Paloma, 21, kapwa dayo sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Sa report ni PO3 Zaldy Notarte ng Tactical Operation Center (TOC) ng Batasan Police Station 6, dakong 3:00 ng madaling araw nangyari ang pamamaril.

Naglalakad umano ang dalawa sa nasabing lugar nang sumulpot ang mga armadong suspek na lulan sa hindi naplakahang kotse at pinaulanan ng bala ang mga biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Jun Fabon)