fencer copy

TUMATAG ang kampanya ng University of the East na muling madomina ang fencing sa UAAP Season 79 sa impresibong panalo kahapon sa UST Quadricentennial Pavilion Arena.

Nangunguna ang five-peat seeking Red Warriors sa men’s division tangan ang tatlong ginto, isang silver at dalawang bronze medal, habang dominante ang Lady Warriors, target ang ika-10 sunod na titulo, hawak ang 2-2-2 medalya.

Hataw si dating MVP Nathaniel Perez at CJ Concepcion sa UE sa tagumpay sa men’s individual foil at individual saber event, ayon sa pagkakasunod, habang nakopo ng men’s team sabre nina Perez, Concepcion, Bien Gonzales and Malcolm Valena ang korona.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nangibabaw din sa women’s Class ang dating MVP na si Justine Gail Tinio, gayundin ang women’s foil squad nina Tinio, Allaine Cortey, Johanna Castillo at Wilhelmina Lozada sa finals.

Nakabuntot sa UE men’s team ang University of Santo Tomas (1-2-1), at University of the Philippines (0-1-2).

Nakuha ni UST ace Noelito Jose ang ginto sa men’s individual epee.

Nasa ikalawang puwesto ang Ateneo sa women’s class (1-1-2),kasunod ang UST (1-0-0).

Nakamit ni Lady Eagle Andrea Ignacio ang titulo sa women’s individual epee, habang naiuwi ni Tigress Maylene Pailma ang women’s individual saber title.

Nangunguna rin ng Junior Warriors sa boys (3-1-2) at girls event (3-3-0).