Tiwala si Senator Francis Escudero na hindi didiktahan ng liderato ng Senado ang mga senador para isulong ang nais ng pamahalaang pagbabalik sa parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Escudero, wala sa karakter ni Senate President Aquilino Pimentel III na diktahan ang mga kasapi ng mayorya sa Senado.

Sa Kongreso kasi, nagbabala si House Speaker Pantaleon Alvarez na tatanggalan ng committee chairmanships at deputy speakership ang mga kongresista na hindi pabor sa death penalty.

Una nang sinabi ni Pimentel na hindi nila mamadaliin ang pagpasa sa nasabing panukala. Hindi rin prayoridad ng Senado ang death penalty, pwede lang nila itong pag-usapan pero malabong idaan sa botohan.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sinuspinde ang padinig sa panukalang batas upang bigyang daan ang pagsaliksik sa isang international treaty na nagbabawal sa Pilipinas na magpatupad ng parusang kamatayan. (Leonel M. Abasola)