Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato dahil sa malawakang pagkamatay ng mga isda, na umaabot na sa P126 milyong halaga ng tilapia ang nasira.

Sinabi ni Roberto Bagong, action officer of the Lake Sebu Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kahapon na naglabas ang municipal council ng calamity declaration sa kanilang sesyon nitong Miyerkules.

Ibinatay ang hakbang sa rekomendasyon ng kanilang opisina at ng MDRRM Council sa pamumuno ni Mayor Antonio Fungan.

Tatlong barangay -- ang Poblacion, Takonel at Bacdulong – ang nauna nang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng fish kill simula Enero 27 hanggang Pebrero 4.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinayang ng fish kill, itinuturing na pinakamalalang nangyari sa Lake Sebu, ang tinatayang 1.4 milyong tonelada ng tilapia mula sa 4,944 fish cage ng 464 na operator.

Sinabi ni Bagong na batay sa kanilang huling test assessment, tinatayang nasa mahigit P126 milyon ang halaga ng pinsala. Ang karaniwang farm-gate price ng tilapia sa Lake Sebu ay nasa P90 bawat kilo.

Sinabi ng mga eksperto na ang overcrowding ng mga fish cage sa lawa, pagdami ng water hyacinths at paggamit ng commercial feeds ng mga operator ang maaaring nagdulot ng pagbaba ng kalidad ng tubig, na nagbunsod ng mga fish kill.

Nagreresulta ito sa “kamahong,” isang phenomenon na idinudulot ng biglaang pagtaas sa temperatura ng tubig. Karaniwan itong nangyayari sa tag-ulan, at nagbubunsod ng pagtaas sa sulfuric acid sa tubig ng lawa na nauuwi sa pagkamatay ng mga isda.

Nauna nang sinabi ng BFAR na lumabas sa mga resulta ng water sampling sa lawa at iba pang physio-chemical parameters na “dying” na ang tubig sa Lake Sebu. (PNA)