Diego copy

WALA nang mababasang post ng tampo o galit ni Diego Loyzaga sa amang si Cesar Montano sa Instagram dahil deleted na lahat iyon. Pero sa Twitter, sinagot ni Diego ang tanong kung bakit dinelete niya ang posts tungkol sa ama.

“Because I was asked to,” ang maikli at diretsong sagot ni Diego.

Hindi na siya nag-elaborate, kaya hindi na nalaman kung sino ang nag-utos sa kanyang burahin ang mga galit niyang posts sa ama.

Human-Interest

UST, ibinida grades ni Dr. Jose Rizal bilang mag-aaral ng Medisina

Ang ipinalit ni Diego sa dinelete na posts ay puro tungkol sa inang si Teresa Loyzaga at may picture rin na kasama ang half-brother niya.

Sabi ni Diego tungkol kay Teresa, “The best parent in the world @teresaloyzaga. I love you more than you know, Ma.”

Sa picture nilang mag-ina kasama ang kuya niya, ang inilagay na caption ni Diego, “I couldn’t have asked for a better family” at ang huli “I love you, Ma. You’ve always been here to support us. We’re so lucky to have you. You’re an angel. A blessing to us.”

Samantala, nananatiling tahimik si Cesar sa isyu sa kanila ni Diego at mas mabuti ito dahil, ‘ika nga, less talk less mistake.

Hindi lang maiwasan na may mga basher pa rin si Diego at naniniwalang gumamit siya ng weed at nagbanta pang ilalabas niya ang snapchat ni Diego with his friends.

“Nasaan na? Ilabas mo na” ang sagot ni Diego.