Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 6th Division ang pagbasa ng sakdal laban kay dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos sa kasong graft.

Humingi ng palugit ang mga abogado ni Abalos sa paghahain ng motion for reconsideration sa isang resolusyon ng Sandiganbayan sa kanyang kaso.

Kinasuhan si Abalos dahil sa pagbili ng dalawang sasakyan ng Comelec na nagkakahalaga ng P1.7 milyon na hindi dumadaan sa bidding noong 2003.

Muling itinakda sa Abril 27 ang arraignment. (Jun Fabon)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'