Isang lalaking fetus ang natagpuang nakasilid sa kahon at iniwan sa ilalim ng mesa sa harap ng isang karinderya sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ni Supt. Santiago Pascual III, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 3, ang fetus na wala pang pitong buwan at nakasilid sa itim na kahon ng sapatos.

Sa imbestigasyon ni PO2 Allan Andrew Mateo, dakong 3:20 ng umaga nang madiskubre ng tauhan sa karinderya na si Rommel Tijano, 24, ang fetus sa ilalim ng mesa na nakapuwesto sa harap ng pinagtatrabahuhan niyang kainan, sa A. H. Lacson Street, malapit sa kanto ng Ma. Clara Street sa Sta. Cruz.

Ini-report ni Tijano ang insidente kay Barangay Ex-O Eduardo Jagonoy, ng Barangay 343, Zone 34, na nag-ulat naman sa Blumentritt Police Community Precinct (PCP).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bigo naman ang mga awtoridad na matukoy kung sino ang nag-iwan ng fetus sa lugar, dahil bukod sa walang saksi ay wala ring CCTV camera sa lugar. (Mary Ann Santiago)