Arestado ang isang 12-anyos na lalaking out-of-school youth (OSY) matapos niya umanong saksakin ang isang 15-anyos na lalaking kapwa niya OSY habang naglalakad ito kasama ang nobya at mga kaibigan malapit sa isang paaralan sa Tondo, Maynila, nitong Linggo.

Nasa kostudiya na ng City Department of Social Welfare and Development ang suspek na taga-Tondo, habang ginagamot pa sa ospital ang biktimang nasaksak sa kaliwang balakang.

Batay sa ulat ni Supt. Alex Daniel, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 2:15 ng umaga at naglalakad ang biktima ang nobya at apat na kaibigang lalaki malapit sa Rizal Elementary School sa panulukan ng Tayuman at G. Perfecto Streets nang bigla silang kuyugin ng isang grupo ng kabataan, sa pangunguna ng suspek hanggang saksakin ng huli ang kapwa binatilyo. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20