DHAKA (AFP) – Hinimok ng Bangladeshi authorities ang international community nitong Linggo na suportahan ang planong i-relocate ang libu-libong Rohingya refugees mula sa Myanmar sa isang malayong isala sa kabila ng mga babala na ito ay uninhabitable o hindi mainam na tirhan ng tao.

Nanawagan si Foreign Minister A.H. Mahmood Ali sa mga kinatawan ng 60 diplomatic missions at ilang ahensiya ng United Nations na magsagawa ng “meaningful measures” para mai-relocate ang refugees.

Sa ilalim ng plano, dadalhin ang Rohingya sa Thengar Char island sa Bay of Bengal, kung saan ayon kay Ali ang mga lumikas ay magkakaroon ng “better access to humanitarian assistance”.

May 232,000 Rohingya Muslims ang naninirahan sa Bangladesh bago ang magsidatingan ang mahigit 65,000 iba pa noong Oktubre, para takasan ang karahasan sa katimugang estado ng Rakhine sa Myanmar.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sa pagpupulong noong Linggp, sinabi ni Ali sa mga opisyal na ililipat lamang ang Rohingya sa isla kapag natapos na ng gobyerno ang pagtayo ng mga kinakailangang imprastruktura, kabilang na ang mga paaralan at kalsada.