Matutuloy pa ba o hindi na ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa pamahalaan?

Ilang oras makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinususpinde na niya ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF), sinabi kahapon ng isang opisyal ng Malacañang na bukas pa rin ang gobyerno na makipag-negosasyon sa mga rebelde.

“Malacañang is still open to negotiations,” sinabi ni Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag sa isang panayam ng radyo, na taliwas sa naunang idineklara ng Presidente nitong Sabado ng gabi.

“Kumbaga gaya nga sa sabi ni Secretary (Silvestre) Bello, who is part of the panel, kahit na na-lift ‘yung ceasefire, the members of the peace panel would still talk about, you know, permanent peace and how to go about the parameters of going through a permanent ceasefire,” ani Banaag.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa labis na pagkadismaya sa mga pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa militar at hindi makatwirang mga kondisyon ng CPP-NDF, inihayag ng Pangulo ang pagsuspinde sa peace talks isang araw makaraang bawiin niya ang unilateral ceasefire.

Sa kabila nito, pinabulaanan ni Banaag na naglunsad na ang pamahalaan ng digmaan laban sa mga rebelde.

“As the President has said, for those who are combatants, they have to be on their guard kasi wala naman nang ceasefire. But it doesn’t mean to say that they have to hunt ‘di ba?” aniya. “Kumbaga it’s not war per se like you have to go hunt them. However, it’s like the status before the declaration of the ceasefire.” (Genalyn D. Kabiling)