Kalaboso ang isang bakla matapos mahulihan ng shabu ng mga barangay tanod na nanita sa kanya dahil sa pag-iingay sa loob ng barangay hall sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Paglabag sa R.A. 9165 (illegal possession of dangerous drugs) ang kinakaharap na kaso ni Mark Anthony Obosa, 36, ng Block 34-A, Lot 14, Phase 3, F1 Pague Street, Dagat-Dagtan ng nasabing lungsod.

Narekober kay Obosa ang isang plastic sachet ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P200.00.

Ayon kay SPO1 Rommel Bautista, bandang 3:00 ng madaling araw, pumasok si Obosa sa barangay hall ng Barangay 12.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-ingay ito dahilan upang mairita ang mga barangay tanod at siya’y sinita hanggang sa tuluyan siyang kapkapan at nakuha sa kanyang bag ang shabu. (Orly L. Barcala)