KUMAPIT ang St. Benilde sa tatag ni team captain Johnvic de Guzman para padapain ang Perpetual Help, 25-17, 26-24, 25-17, kahapon para makalapit sa inaasam na titulo sa 92nd NCAA men’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Hataw ang power-hitting na si de Guzman, league’s two-time MVP, para sa 19 hit, tampok ang 16 attack para sa panalo ng Blazers.

Makukumpleto ng Taft-based school ang dominasyon sa panalo sa Game Two sa Martes. Nakatakda ang Game 3 kung sakali sa Feb.10.

“He played big for us, he showed why he’s the leader of this team,” sambit ni St. Benilde coach Arnold Laniog.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Its hard to juggle acting, studying and playing. Good thing I’ve finished my shooting and studies, that is why I was focused lately,” pahayag ni de Guzman.