Tuluyan nang natuldukan na ang masamang gawain ng isang 32-anyos na lalaki na umano’y responsable sa mga serye ng panghoholdap sa mga restaurant sa Northern Metro area, matapos mapatay ng mga pulis sa Caloocan City, nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot si Ernesto Lozada Cenas, Jr., ng Barrio Libis, Barangay 160 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Base sa imbestigasyon, dakong 7:00 ng gabi nitong Biyernes, nakatanggap ng tip ang Valenzuela Police na namataan ang suspek sa kanilang lugar.

Nakipag-coordinate ang mga tauhan ni Police Senior Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, sa mga tauhan ng Caloocan PNP at pinuntahan ang lugar ni Cenas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa halip na sumuko ay nanlaban at nagpaputok pa umano ang suspek kaya napilitan ang mga pulis na barilitin ito.

Si Cenas ang itinuturong suspek sa mga serye ng holdapan sa mga restaurant sa Valenzuela City at mga parlor sa Caloocan City.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ng Valenzuela Police Station, kitang-kita ang panghoholdap ng suspek sa mga coffee shop noong Enero 25 at Enero 30.

Napanood din ang panghoholdap ni Cenas sa isang parlor sa Caloocan City, nitong Martes ng hapon. (Orly L. Barcala)