Hindi sapat ang parusang “push-up” na ipinagawa ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa pitong pulis na umano’y sangkot sa kasong robbery at extortion.

Para kay Senator Francis Pangilinan, isang kabaliwan at kapalpakan ang ginawa ni Dela Rosa na lalong nagbaon sa kahihiyan ng PNP.

“Push-ups ang ipinakitang kaparusahan sa pitong akusadong pulis sa kasong robbery at extortion ng mga Koreano sa Angeles. Robbery at extortion ang kaso. Sa harap ng media, hindi sila ikinulong, hindi sila dinisarmahan, hindi sila pinosasan. Sa harap ng media hinayaan pang isuot ang mga uniporme upang lalo pang dungisan ang imahe ng PNP. Anong klaseng kabaliwan at kapalpakan ito?” tanong ni Pangilinan.

Ngunit para kay Senator Panfilo Lacson, “Magandang mensahe, symbolic ang push-up at ang mura and everything, but it should go beyond that. Ang hinihintay ng tao, ano bang positibong aksiyon aside from meting out the appropriate or commensurate punishment?” aniya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon kay Lacson, mahalagang maiparating ni Dela Rosa sa 160,000 puwersa ng PNP ang kanyang determinasyon sa kampanya.

(Leonel M. Abasola)