Naglabas ng hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan laban kina dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating PNP-Special Action Force (SAF) director Getulio Napeñas Jr. sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at usurpation of public functions kaugnay ng madugong Mamasapano encounter noong Enero 25, 2015.

Inatasan ng 4th Division ng anti-graft court ang Bureau of Immigration (BI) na pagbawalan sina Purisima at Napeñas na lumabas ng bansa, maliban lamang kung may permiso ito sa hukuman.

Kinasuhan sina Purisima at Napeñas sa kanilang partisipasyon sa Oplan Exodus na umutas sa Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir Alyas “Marwan” ngunit nauwi rin sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP-SAF sa Maguindanao.

(Rommel P. Tabbad)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho