EMPRESS copy

MAGBABALIK na bilang Kapamilya si Empress ngayong gabi sa Ipaglaban Mo pagkatapos niyang manganak.

“Masaya kasi na-miss kong umarte. Na-miss ko ‘yung gigising nang maaga, magbabasa ng script, at mag-stay sa set kasama ang staff at cast,” kuwento ni Empress. “Medyo kinabahan din at ‘di ko alam if kaya ko pa ba or if nabawasan ba alam ko sa acting, pero I am glad na it came out naturally naman as if hindi ako nagpahinga nang matagal.”

Gagampanan ni Empress ang papel ni Lenny, ina ng batang si Lelet (Rhed Bustamante) na inampon nila ng asawang si Jess (RK Bagatsing). Tampok sa kuwento ang mahigpit na pagdidisiplina ni Jess na mauuwi sa pang-aabuso nang pasuin ng plantsa dala ng matinding galit. Ano kaya ang pananagutan ni Jess sa batas? Sasampahan kaya siya ng kaso ni Lenny?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Malaking tulong para kay Empress na isa na siyang ganap na ina kaya mas nagampanan nang maayos ang kanyang role.

“Nakatulong siya definitely. Si Athalia talaga ‘yung hugot ko. Siya ‘yung iniisip ko habang ginagawa ko ‘yung role,” saad ng aktres.

Matatandaan na umalis sa ABS-CBN at lumipat sa GMA-7 si Empress bago siya nagbuntis at nagkaanak.

Makakasama rin sa upcoming episode ng legal drama ng Dos sina Tetchie Agbayani Bayani at Edric Ulang, mula sa direksiyon ni Lyan Suiza at mapapanood sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable Channel 167). (Reggee Bonoan)