No show si Supt. Rafael Dumlao sa unang araw ng reinvestigation sa kaso ng kidnap-slay sa Korean na si Jee Ick-joo sa Department of Justice (DoJ).
Ayon sa kanyang abogado, nasa “area” lamang si Dumlao, pero hindi ito lumutang sa DoJ dahil sa isyung pangseguridad.
Pormal nang nakasama si Dumlao sa mga kinasuhan ng kidnapping for ransom with homicide kaugnay ng pagdukot at pagpatay kay Jee.
Dumalo naman sa pagdinig ang iba pang respondents na sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas, Ramon Yalung, ang dating pulis na si Gerardo Santiago, sina Christopher Alan Gruenberg at PO2 Christopher Baldovino.
Naroon din sa pagdinig ang kasambahay ni Jee na si Marisa Dawis Morquicho, at ang asawa ni Jee na si Choi Kyung Jin, na iginiit na dagdagan ng carnapping at robbery ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.
Binigyan naman ng piskalya ang PNP-Anti-Kidnapping Group at National Bureau of Investigation (NBI) ng limang araw para magsumite ng ammended complaint na magdedetalye sa kanilang paratang laban sa mga respondent.
Itinakda ang susunod na pagdinig sa Pebrero 16, 2017. (Beth Camia0