Palalakasin ang Republic Act 9160 o Anti-Monay Laundering Act (AMLA) upang maisama ang mga casino at ang gaming industry.

Bumuo ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries ng technical working group (TWG) upang pag-isahin ang mga panukala na magpapalakas sa AMLA at masiyasat maging ang mga casino. Kabilang sa mga ito ang House Bill 3455 ni Rep. Henry S. Oaminal (2nd District, Misamis Occidental) at HB178 ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato.

Ito ang tugon ng Kongreso sa panawagan ng Financial Action Task Force (FATF) na gumawa ng mga reporma sa AMLA coverage upang masugpo ang money-laundering. (Bert de Guzman)

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?