Mga Laro Ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

8 n.u. -- NU vs UE (M)

10 n.u. -- Ateneo vs UST (M)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- NU vs UE (W)

4 n.h. -- Ateneo vs UST (W)

MULING matutunghayan ang husay, galing at kayumihan nang mga premyadong collegiate volleyball diva sa bansa sa pagpalo ngayon ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.

Mapapasabak agad sa opening day ang losing finalist Ateneo na makakatapat ang pre-season favourite University of Santo Tomas, gayundin ang isa sa itinalagang title favorite National University at ang inaasahang magpapakita ng sorpresa ngayong season na University of the East.

Magtatagpo ang Lady Eagles at ang Tigresses sa huling laban ganap na 4:00 ng hapon kasunod ng pagtutuos ng Lady Bulldogs at Lady Warriors ganap na 2:00 ng hapon.

Susubukang ipakita ng Lady Eagles na maaari pa rin silang maging title contender sa kabila ng pagkawala ng kanilang ace spiker na si Alyssa Valdez sa pamumuno ni Jhoanna Maraguinot, Bea de Leon, Maddie Madayag at setter Jia Morado kasama ng nagbabalik na si Michelle Morente at mga rookies na sina Jules Samonte at Kat Tolentino.

Masusubok naman sa Tigresses sina Cherry Rondina, EJ Laure, Pam Lastimosa, Ria Meneses, Chloe Cortez at Carla Sandoval.

Sa unang laban, inaasahang mamumuno para sa Lady Bulldogs ang ace hitter at blocker na si Jaja Santiago kasama ang impresibong setter na si Justine Nabor,Aiko Urdas at Jorelle Singh.

Susubukan naman silang sabayan at tapatan ng Lady Warriors na sisikaping makapagsimula ng winning streak matapos makatikim ng unang panalo sa pagtatapos ng eliminations noong nakaraang Season 78 na pumutiol sa kanilang 59- game losing skid. (Marivic awitan)