DAGUPAN CITY, Pangasinan - Naglaan kahapon ng P100,000 pabuya ang pamilya ng isang dating GMA news reporter para sa ikadarakip ng pumatay sa negosyanteng ama ng kanilang tahanan sa Calasiao, kamakailan.
Naniniwala ang pamilya na posibleng kilala ni Rolando Victorio, 62, ng Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City, ang sumaksak sa kanya ng 12 beses.
May palagay ang awtoridad na posibleng negosyo ang ugat ng krimen. (Liezle Basa Iñigo)