Inaprubahan ng House Committee on Food Security ang paglikha ng technical working group (TWG) na pagsasama-samahin ang iba’t ibang panukala para maisulong ang urban farming tungo sa bansa.

Sa pagdinig, pinuri ni Rep. Leo Rafael Cueva (2nd District, Negros Occidental), committee chairman, sina Reps. Estrellita Suansing (1st District, Nueva Ecija), Michael Odylon Romero (Party-list, 1-PACMAN), at Harlin Neil Abayon III (Party-list, AANGAT TAYO), mga may-akda ng House Bills 2818, 4354, at 4422, sa paghahain ng mga panukala na naglalayong matamo ang “self-sufficiency” sa food production at matiyak ang masustansyang pagkain para sa mamamayang nasa lungsod. (Bert de Guzman)

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?