ISULAN, Sultan Kudarat – Hinamon ni Lt. Col. Ricky Bunayog, commander ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang 109th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kusang isuko ang mga miyembro nito na itinuturong sangkot sa pamamaslang kamakailan sa isang dating barangay chairman at kaanak nito sa Lutayan, Sultan Kudarat.

Ang hamon, ayon kay Bunayog, ay upang mapatunayan na seryoso ang MILF sa hinahangad nitong kapayapaan.

Ayon sa report kay Senior Insp. Herman Luna, hepe ng Lutayan Police, dakong 7:30 ng umaga nitong Sabado nang pagbabarilin ng nasa 20 armado, na umano’y miyembro ng MILF, si Prescilo Fuentes Puerto, dating chairman ng Barangay Palavilla; at kaanak nitong si Samuel Moralidad.

Naniniwala si Luna na may kaugnayan sa hidwaan sa lupang sakahan ang insidente. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay