BAYAMBANG, Pangasinan – Isinugod sa pagamutan ang isang lalaking lasing matapos siyang tamaan ng bala nang mag-warning shot siya sa pagsisimula ng parada para sa libing ng isa niyang kamag-anak sa Barangay Tococ West sa Bayambang, Pangasinan.
Sa ulat kahapon ng Bayambang Police, dakong 7:30 ng umaga nitong Sabado nang mabaril ni Ricardo Sison, 52, taga-Bgy. Tococ East, ang sarili niyang tuhod.
Ililibing na ang anak ng isang kaanak ni Sison at nag-warning shot siya pero dahil sa sobrang kalasingan ay sariling tuhod niya ang tinamaan.
Kusa naman isinuko ng biktima sa pulisya ang ginamit niyang .45 caliber Springfield Armory pistol.
(Liezle Basa Iñigo)