Hinihinalang suffocation ang sanhi ng pagkamatay ng isang 92-anyos na babae matapos makulong sa nasusunog niyang bahay sa Barangay Greater Lagro, Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Quezon City Fire Marshall Sr. Supt. Manuel M. Manuel, kinilala ang nasawing biktima na si Agusta Marquez, ng Block 29, Lot 42, Ascencion Road, Lagro Subdivision, Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Ayon sa imbestigador, dakong 4:00 ng hapon kamakalawa nang masunog ang bahay ng biktima at hindi ito agad nakalabas dahil siya lamang mag-isa at nakakandado ang mga pinto.

Agad rumesponde ang Quezon City Fire Department, sa pamumuno ni Fire Insp. Arvin Mamangun, at tuluyang naapula ang apoy bandang 5:00 ng hapon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Inaalam na ang sanhi ng sunog at halaga ng ari-ariang natupok. (Jun Fabon)