Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalawig ng “no weekday sales” at “night time mall deliveries” policy sa buong 2017.

Ang mga polisiyang ito ay orihinal na ipinatupad sa Metro Manila simula Nobyembre 1, 2016 hanggang Enero 9, 2017 upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan nitong Kapaskuhan.

Sa isinagawang konsultasyon kamakalawa, napagpasyahan ng MMDA at mall operators na palawigin ang implementasyon ng mga naturang polisiya na naging epektibo upang maibsan ang problema sa trapiko.

Alinsunod sa kanilang kasunduan, walang magsasagawa ng “mall-wide scale sales” at iba pang kaganapang dadagsain ng tao mula Lunes hanggang Biyernes, habang ang delivery ng mga produkto sa mall ay mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw lamang ng susunod na araw. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter