BRAZIL (PNA) – Kinumpirma ng Health Ministry ng Brazil na mahigit 40 katao ang namatay sa yellow fever nitong mga nakalipas na linggo.

Sa 107 iniulat na namatay sa yellow fever, 42 ang nakumpirma noong Biyernes, ayon sa ministry. Sa kabuuan 87 katao ang nakumpirmang may yellow fever, mula sa 555 pinaghihinalaang kaso.

Nagsimula ang outbreak ng yellow fever sa Brazil ilang linggo na ang nakalipas sa timog silangang estado ng Minas Gerais, at kumalat sa ibang lugar.

Ang yellow fever ay isang viral disease na ikinakalat ng lamok. Maiiwasan ang impeksiyon sa pamamagitan ng bakuna.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na