Pinag-iisipan na ng isang grupo ng manggagawa na maghain ng petisyon kaugnay ng dagdag-sahod sa Metro Manila.

Sa isang text message, sinabi ng tagapagsalita ng Associated Labor Unions (ALU) na si Alan Tanjusay na inaalam na nila ang halagang kailangang idagdag sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

“ALU is mulling of filing a wage increase but no amount yet. But it would be substantial given the difficult situation of workers,” ayon kay Tanjusay.

Aniya, isusumite nila ang nasabing petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa oras na makumpleto nila ang kanilang pag-aaral sa wage rates sa NCR at iba pang rehiyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinagbasehan ang report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong nakaraang Disyembre, sinabi ni ALU National Executive Vice President Gerard Seno na ang purchasing power sa bansa ay bumagsak sa 67 sentimos.

“This is the lowest purchasing power the Philippine money can have since 2008,” ayon kay Seno. “As a consequence of diminishing purchasing power of the peso, the purchasing power of the country’s highest daily minimum wage of P491 also drops to P363.70 or staggering loss of P127.30 a day.” (Samuel P. Medenilla)