SAN JOSE, Tarlac - Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan, sa hinalang sadyang iniwan, sa gate ng bahay ng head nurse ng San Jose Lying-in Clinic sa San Jose, Tarlac, nitong Martes ng umaga.

Ayon kay PO2 Leizel Bunagan, iniwan ang babaeng sanggol sa tapat ng bahay ni Dionisia Meredor, nasa hustong gulang, ng Bgy. Lawacamulag, San Jose, Tarlac.

Napag-alaman na may bahid pa ng sugo ang sanggol, na kaagad na ini-report ni Meredor sa Municipal Social Welfare and Development Office ng San Jose.

Nasa mabuting kondisyon na ngayon ang sanggol at pansamantalang nasa pangangalaga ni Meredor. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog