Pinakasuhan na ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, Jr. ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa kanyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ipinaliwanag ni Lailani Villarino, counsel ni Kerwin, na ang isinampang kaso sa Department of Justice (DoJ) ay base sa multiple murder at perjury na inihain sa National Bureau of Investigation (NBI) noong unang bahagi ng Disyembre.

“Basically ‘yung complaint-affidavit namin binase lang namin doon sa complaint-affidavit na ginawa ng NBI,” ayon kay Villarino. “And in every case meron naman talagang private complainant and Kerwin stands as the private complainant in this case.”

Inihain ni Kerwin ang reklamo sa araw na isinagawa ang ikalawang hearing sa preliminary investigation.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kabilang sa mga kinasuhan sina Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 8 members Chief Supt. Marvin Marcos, Supt. Noel Matira, Chief Insp. Leo Laraga, Senior Insps. Deogracia Diaz at Fritz Blanco; Senior Police Officers Melvin Cayobit, Eric Constantino, Benjamin Dacallos, Juanito Duarte at Alphinor Serrano Jr.; at mga pulis na sina Johnny Ibañez, Norman Abellanosa, Niel Centino, Bernard Orpilla, Lloyd Ortiguesa, Jerlan Cabiyaan, Cristal Gisma at Divine Grace Songalia. (Jeffrey Damicog at Beth Camia)