SECOND choice lang pala ang aktor sa kanyang bagong pelikula ngayon dahil ang unang napili ng direktor ay hindi pinayagan ng manager na hindi nagustuhan ang di-kagandahang pagkakabuo ng script.

Nag-pitch ang director/producer ng storyline sa manager ni Aktor 1 at nagustuhan naman ang konsepto kaya ipinagawa na ang script.

Pero hindi nagustuhan ng manager ni Aktor 1 ang pagkakasulat ng script kaya ipina-revise, pero hindi pa rin maganda.

Hanggang sa nakailang revisions na, waley pa rin.

Arra San Agustin, 'di magets bakit nanonood ng porn mga lalaking may partner na

Ending, ibang aktor na lang ang inalok para sa nasabing pelikula dahil nga hindi pumuwede ang unang napili.

Tsika sa amin, maganda ng storyline ng pelikula pero hindi maganda ang pagkakasulat kaya nanghinayang ang manager ni Aktor 1 dahil kakaiba sana ang papel na gagampanan kumpara sa mga nagawa na nito.

At dahil hungry for lead role sa pelikula si Aktor 2, tinanggap ito nang alukin hoping na mapapansin na siya dahil nga pawang support at boy next door ang kanyang papel sa mga project niya.

Marunong din namang umarte si Aktor 2 at naniniwala kaming kaya niya ang kakaibang papel na gagampanan niya. Sana lang ay maganda ang pagkaka-execute ng direktor at higit sa lahat, kumita ang pelikula dahil malaki ang budget nito.

(REGGEE BONOAN)