SAN CLEMENTE, Tarlac – Kapwa nasugatan ang driver ng tricycle at motorcycle rider at ang dalawang pasahero ng una matapos silang magkabanggaan sa highway ng Barangay Poblacion Norte sa San Clemente, Tarlac, nitong Sabado ng gabi.

Nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Marlon Costales, 47, driver ng tricycle, ng Bgy. Doclong 1st; Mila Esteban, 41; at Dithas Akang, 37, pawang taga-Bgy. Pit-ao, San Clemente, Tarlac.

Nasugatan din si Edgar Esteban, driver ng Rusi motorcycle na walang naiprisintang lisensiya sa awtoridad.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog