SA intimate interview kay Bela Padilla right after My Dear Heart presscon, inamin niyang loveless na siya. Hiwalay na sila ni Neil Arce, ang businessman na may-ari ng dairy products na nag-venture na rin sa movie production.

Pero nilinaw ni Bela na bagamat break na sila, civil pa rin sila at hindi pa putol ang komunikasyon sa isa’t isa.

Katunayan, may ginagawa siyang pelikula with Jericho Rosales, ang Luck at First Sight na concept ni Neil. Business partners pa rin sila.

“Oo, iba. I think when it comes to that side I value his opinion more than anybody else’s. Kasi magka-jive kami at ‘yung utak namin pagdating sa mga trabaho at pagdating sa mga concepts.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Madali naman daw kausap si Neil, kaya maayo pa rin ang kanilang “setup”, kahit tapos na ang relasyon nila na tumagal din ng apat na taon.

“Parang hindi na dapat pag-usapan, eh, parehas naman kaming mature na tao. I would like to think na para sa age ko, I’m relatively mature kaya nga rin we were able to come up with a compromise na when it’s work, it’s work.”

Mutual decision ang kanilang paghihiwalay at hindi awkward para sa kanya ang patuloy na pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa.

“Marami pa kaming concepts na ginagawa together. So after this movie (Luck at First Sight), hindi pa rin ‘yun ang last. Makakatrabaho ko pa rin siya in the future. Meron kami na parang pa-start na, na next concept. So I’m going to see him the whole year,”

Siguradong magiging busy si Bela sa buong taon dahil magsisimula nang umere bukas sa Primetime Bida ng Dos (after FPJ’s Ang Probinsyano) ang My Dear Heart na pinagbibidahan nila ni Zanjoe Marudo at ng future child superstar na si Nayomi Ramos. (ADOR SALUTA)