Iniimbestigahan ng Taguig City Police ang 11 katao na sangkot sa ilegal na droga na naaresto sa one-time, big-time operation (OTBT) ng pulisya sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Kalaboso ang 11 hindi pinangalanan makaraang makasuhan ng paglabag sa Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act sa Taguig Prosecutor’s Office.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. dakong 4:00 ng umaga nang sinimulan ng mga tauhan ng Taguig City Police ang OTBT sa Barangay Palingon, Tipas.

Hindi pa man nag-iinit ang operasyon ay naaresto na ang 11 matapos na mahulihan ng 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang sachet at container ng marijuana, at drug paraphernalia.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Nabatid na walong motorsiklo rin ang kinumpiska ng awtoridad at diniretso sa impounding area ng pulisya dahil sa kawalan ng mga kaukulang dokumento, habang umabot naman sa 50 katao ang hinuli sa iba’t ibang paglabag sa batas-trapiko. (Bella Gamotea)