Pinabulaanan kahapon ni Senator Alan Peter Cayetano ang lahat ng alegasyong ipinupukol sa kanya kaugnay ng umano’y planong pagpapatalsik kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sinabi ni Cayetano na ang nasabing alegasyon ay isang “figment of imagination” ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Kung sa tingin ni Trillanes na siya ang problema sa Senado, iminungkahi ni Cayetano na sabay sila nitong magbitiw.

“If Sen. Trillanes thinks I’m the problem, then we should resign at the same time, even tomorrow. Because I have a different perspective, and I think he’s the one who is the (pinagmumulan ng) problem at the Senate,” pahayag ni Cayetano sa isang press conference sa Taguig City.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ngunit sumagot si Trillanes, sa isang text message, na si Cayetano “should go first,”.

“He should go first because he was the one who stated he would resign if he cannot solve crime and corruption and illegal drugs within three to six months,” sagot ni Trillanes. (Hannah L. Torregoza at Leonel M. Abasola)