Para kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations, hindi pa dapat ilahad nina Pangulong Duterte at Speaker Pantaleon Alvarez ang pangalan ng dalawang kongresista na umano’y kabilang sa narco list.

Nagtataka ang oposisyon kung bakit mabilis na isinasapubliko ng Pangulo ang mga pangalan ng “narco generals, narco mayors” at iba pa.

Ayon kay Nograles, nag-iimbestiga na ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Authority at iba pang law enforcement units tungkol sa drug war ng administrasyon.

“Premature pa upang ihayag ang kanilang mga pangalan habang isinasagawa ang imbestigasyon,” ayon sa kanya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Batay sa mga ulat, ang isang mambabatas ay mula sa Mindanao at ang isa ay taga-Luzon. (Bert de Guzman)